^

Headlines

Cogie, crush din si KC

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Crush din ni Cogie Domingo si KC Concepcion. Yes folks! Isa rin si Cogie sa head-over-heels sa anak ni megastar Sharon Cuneta.

Marami nang ibang young actor ang nagsabi na crush nila si KC.

Actually, puwede siguro silang mag-partner in case na payagan ni Ms. Sharon na gumawa na ng movie si KC.

Anyway, hindi affected sa mga negative issues si Cogie - linking him to Piolo Pascual, pagiging unprofessional among others.

"Once lang kami nagkita ni Piolo. Really, I don’t have any idea kung bakit nali-link kami. Sa pictorial lang kami nagkita dahil isa lang ang manager namin.

"’Yun namang issue na unprofessional ako, totoong may time na nali-late ako. Like ‘yung nangyari sa shooting namin ni Judy Ann Santos. Kasi galing ako no’n sa shooting namin ng Cool Dudes sa Subic. Eh ako ang nagda-drive so, totoong na-late ako," he explains.

Two decades ago, Regal Films revolutionized the star system by introducing a new style of discovering and building talents collectively packaged as Regal Babies na nagsimula sa grupo nila Maricel Soriano, Snooky Serna and Dina Bonnevie kasama sina Gabby Concepcion, Albert Martinez, William Martinez and the late Jimi Melendez in Underage.

Since then, nag-launch na ang Regal ng ibang Regal Babies including Ruffa Gutierrez, Carmina Villaroel and Aiko Melendez; Sheryl Cruz, Manilyn Reynes and Kristina Paner; Albert Anido, the Gwapings - Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana and Eric Fructuoso. Lahat sila ay napasikat ng Regal ni Mother Lily Monteverde. Kaya naman mataas ang expectation ng lahat sa Cool Dudes - Cogie, Danilo Barrios and James Blanco .

"Actually, medyo kinakabahan kami kasi nga mataas ang expectation nila. Pero siyempre iba kami sa mga unang Regal Babies. Kami ‘yung generation ngayon - ‘yung mga kabataan ngayon," Cogie says.

"Iba rin ‘yung approach namin sa movie na ‘to kaya parang hindi puwedeng i-compare," he adds.

Cogie Domingo is Redmond Christopher Domingo in real-life. He was born on August 15, 1985 (Leo) here in Manila.

Nakagawa na siya ng three movie - Yakapin Mo Ang Umaga, Deathrow and Cool Dudes under Regal and GMA Films.

First ambition niya talaga ang maging actor.

Biggest like niya ang cars.

Basketball and acting ang hobbies niya.

Most prized possesion niya ang car niyang Ferrari dahil savings niya ang ibinili ng nasabing car.

Most embarrasing moments niya - nang malimutan niya ‘yung mga lines and dialogues niya sa isang live show.

At any rate, may on going web contest ang Cool Dudes - www.regal films.ph/cooldudes.

Magkakaroon ng premiere night ang movie sa August 10 sa SM Cebu at August 11 sa SM Megamall.

*****

Kasabay nang nth birthday ni Ms. Ethel Ramos bukas, August 1 ang first anniversay nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

One year na ang relationship nina Aga & Charlene na nauwi sa kasalan last May 28 sa Baguio.

Actually, sa birthday talaga ni Tita Ethel nari-realize ng dalawa na love pala nila ang isa’t-isa kahit matagal na silang friends.

No’ng una, nagbibiruan lang, pag-uwi pala nila sila na as in may understanding na sila.

Ngayon, almost six months ng preggy si Charlene.

*****

Member pala ng RP Hockey Team si Kevin Vernal. Pero hindi suportado ng gobyerno ang nasabing grupo.

Ilang beses na rin silang nakipag-compete sa ibang bansa pero hindi recognize ang mga karangalang nauuwi nila.

Nag-start ang interest ni Kevin sa Hockey nang tumira siya sa States for so many years. Do’n siya nag-train at nang dumating siya rito, nag-join siya sa RP team.

*****

In a way, dapat sisihin ang Commission on Election sa nangyari sa ilang party list representative na hindi makakaupo sa kongreso partikular na ang Mamamayan Ayaw Sa Droga represented by Richard Gomez. Bakit nila pinayagang tumakbo at gumastos kung hindi naman makakaupo dahil sinasabi nilang hindi marginalized group? Paano na ‘yung boto ng nakararami - mababalewala na lang ba ‘yun? Sayang naman ‘yung boto namin sa kanya.

*****

Hindi ko ini-expect na bading din pala ang character actor na ito. Ayon sa isang source ng Baby Talk, kung ang basehan mo ay ang mga role niya sa pelikula at telebisyon, hindi ka mag-iisip na bading siya. Pero pag kilala mo raw siya, bading na bading siya. In fact, may long time boyfriend daw ang gay actor na ito.

Noong una raw, pinsan ang pakilala niya sa lalaki. Pero later on ay pamangkin na raw niya na tinutulungan.

Super guwapo raw ang man at maganda rin ang trabaho as aerobic instructor. Naging winner din daw ang lalaki sa isang male competition. Ngayon daw ay nagta-travel abroad pa ang lalaki para mag-training.

Ang character actor na bading ay visible sa movie and television. Pero parating supporting lang siya. Maraming beses na rin siyang na-nominate dahil magaling siyang mag-drama.

vuukle comment

CENTER

COGIE DOMINGO

COOL DUDES

NIYA

PERO

REGAL

REGAL BABIES

SIYA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with