Inflation lumala lalo sa 8.1% dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain — PSA
MANILA, Philippines — Walang humpay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos bumilis ang inflation rate sa 8.1% nitong Disyembre 2022 — ito kasabay ng pag-abot ng presyo ng sibuyas sa P720/kilo.
Mas mataas ito kumpara sa 8% nitong Nobyembre, na pinakamabilis na pagtaas ng mga presyo sa Pilipinas sa loob ng 14 taon.
"This is the highest inflation rate reported for 2022 and the highest since November 2008," wika ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.
"The higher inflation in December 2022 than in November 2022 was primarily brought about by the faster year-on-year growth rate in the index of food and non-alcoholic beverages of 10.2 percent, from 10.0 percent in November 2022."
Sinundan ang presyo ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin ng:
- restaurants at accommodation services - 7%
- pabahay, tubig, kuryente, gas atbp. panggatong - 7%
Malayong-malayo ang December 2022 inflation rate kumpara noong December 2021, na noo'y nasa 3.1% lang.
Ang average inflation rate para sa taong 2022 ay napanatag sa 5.8%, eksakto sa projection ng gobyerno. Matatandaang ni-revise ito ng gobyerno mula sa dating 4.5% hanggang 5.5%.
Ang lahat ng ito ay nangyayari habang hindi pa rin natutupad ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang presyo ng bigas sa P20/kilo.
Kamakailan lang nang palawakin ng administrasyon ang mga Kadiwa stalls upang makapagdala nang mas murang halaga ng agricultural goods sa publiko gaya ng sibuyas at bigas.
Gayunpaman, karamihan dito ay nasa Luzon habang nananatili ang mataas na presyo sa palengke.
- Latest