^

PSN Palaro

Preparasyon para sa FIVB MWCH puspusan na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Preparasyon para sa FIVB MWCH puspusan na
Sina First Lady Liza Araneta Marcos at William Vincent “Vinny” Araneta Marcos (ikapito at ikaanim mula kaliwa) kasama sina (mula kaliwa) Philippine National Volleyball Federation (PNVF) vice president Ricky Palou at secretary-general Donaldo Caringal, Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann, Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, Senator Alan Peter Cayetano, Volleyball World CEO Finn Taylor, PNVF president Ramon “Tats” Suzara at national team mainstay Bryan Bagunas na nagsagawa ng victory sign pagkatapos ng unang organizational meeting para sa world championship sa Malacañang noong Abril 30, 2024.

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng bagong taon, simula na rin ang puspusang paghahanda para sa pagtataguyod ng bansa ng FIVB Men’s World Championship (MWCH) 2025 sa Setyembre sa dalawang magkahiwalay na venues.

Darating sa Pilipinas ang 32 pinakamatitikas na volleyball teams sa mundo para magbakbakan mula Setyembre 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.

“This is the time when the preparations and organization start to be meticulous every single day, it’s the world championship year of the FIVB and as host country for first time—and solo host at that—the mission borders from an excellent to almost perfect hosting of the event,” ani Ramon “Tats” Suzara na Philippine National Volleyball Fe­deration at Asian Volleyball Confederation president at siya ring executive vice president ng FIVB.

Sanay na si Suzara sa hosting ng malalaking events. Bahagi ito ng organizing committee ng FIBA World Cup na ginanap sa bansa noong 2023.

Masaya si Suzara dahil sa suportang ibinibigay ng Malacañang sa pangu­nguna nina First Lady Liza Araneta Marcos at William Vincent “Vinny” Araneta Marcos na co-chair ng Local Organizing Committee (LOC) gayundin ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

Nagsagawa pa ng “Concierto sa Palacio” sa Malacañang grounds kasama si Pangulong Bongbong Marcos.

Pinuri ni FIVB president Fabio Azevedo si President Marcos at ang First Family sa suporta nito sa volleyball at sa Philippine sports sa kabuuan.

Nagsagawa na ng Inter-Agency Technical Working Group Meeting sa pangunguna ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Nobyembre sa Rizal Memorial Sports Complex para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng torneo.

Kasama rin sa Local Organizing Committee sina Senator Pia Cayetano, Manuel V. Pangilinan, Phi­lippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at PSC chairman Richard Bachmann.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with