^

Bansa

Alice Guo pinayagan ng Valenzuela RTC na dalhin sa Senado

Malou Escudero, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo pinayagan ng Valenzuela RTC na dalhin sa Senado
Ex-Bamban Mayor Alice Guo arrives at the Senate to a media frenzy on September 9, 2024.
Photo from Senate PRIB

MANILA, Philippines — Pinayagan ni Presiding Judge Elena Amigo-Amano ng Regional Trial Court, Branch 282 ng Valenzuela City na dalhin sa Senado ngayong umaga si dismissed Bamban mayor Alice Guo upang dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Sa inilabas na order ng korte, inatasan ang PNP Custodial Facility sa Camp Crame kung saan nakakulong si Guo na dalhin ito sa pagdinig sa Senado sa ganap na alas-9 ng umaga.

Pinatitiyak din ng korte sa PNP Support Service na magpatupad ng istriktong security protocol sa pagdadala kay Guo sa Senado.

Sinabi rin ng korte na dapat magsumite ang PNP ng “written order” kung anong oras dinala si Guo sa Senado at kung anong oras ito ibinalik.

Samantala, kabilang ang dalawang secretary ni Guo na sina Gee Pepito at Cath Salazar sa mga inimbitahan sa pagdinig bagaman at walang kumpirmasyon kung dadalo ang mga ito.

Matatandaan na nag-viral ang video kung saan binanggit ni Sen. Joel Villanueva ang salitang “bingo” nang ipasulat kay Shiela Guo sa isang papel kung sino ang mga taong tumulong sa kanila na tumakas.

Nagpaliwanag na si Villanueva na walang kinalaman sa sinumang mambabatas ang salita nitong “bingo” nang iaabot sa kanya ni Shiela Guo ang papel na kung saan nakasulat ang pangalan ng personalidad na tumulong sa kanila.

Nauna nang sinabi ni Villanueva na tanging “Kat” at “Gee” ang kanyang nabasa sa kapirasong papel na iniaabot ni Shiela na tumulong sa kanila sa pagtakas na pawang mga sekretarya ni Alice Guo sa Bamban.

vuukle comment

LAW

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with