2 high school students dedo, 3 pa sugatan sa banggaan
MANILA, Philippines — Dalawang high school students ang patay habang tatlo pa ang sugatan sa nangyaring banggaan ng motorsiklo at tricycle nitong Lunes sa Tabuk City, Kalinga.
Dead on arrival sa provincial hospital sina Hazam B. Bawalan at John Raye S. Vasquez, kapwa Grade 9, habang ginagamot naman sina Sheldon Balucnit Grade 9; Francis Aballe Mag-aso at Joyce Achawon.
Sina Bawalan, Vasquez at Balucnit ay pawang mga estudyante ng Kalinga National High School sa Tabuk City, habang si Magaso ang driver ng tricycle cab o kilala sa tawag na “ongbak” o “tuktuk” at guro naman si Achawon sa Baptist School sa Bulanao, Tabuk City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng tanghali nitong Lunes. Sakay ng motorsiklo ang tatlong estudyante nang bumangga sa center island at bumaligtad hanggang sa makabangga ang tricycle na “Tuktuk” o “Ongbak” na sinasakyan nina Magaso at Achawon.
- Latest