Philippine squash team isasalang sa 2 torneo
MANILA, Philippines — Sasamantalahin ng Philippine Squash Academy ang pagkakataon para isalang ang kanilang mga atleta sa pagdaraos ng dalawang foreign-spiced tournaments ngayong buwan.
Pamamahalaan ng squash federation ang Philippine Satellite sa Oktubre 22 hanggang 25 at ang Philippine Challenger Classic sa Oktubre 27 hanggang 31.
Gagawin ang dalawang events sa PSA Academy sa Rizal Memorial Sports Complex.
“Our top athletes can improve their world rankings by competing here and for the rest this is a chance to get some exposure by playing with the best,” ani squash chief Robert Bachmann kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.
Ang dalawang torneo ay gagamitin ng Philippine team bilang preparasyon sa 2025 SEA Games sa Bangkok pati sa 2026 Asian Games sa Nagoya at qualifiers para sa 2028 Los Angeles Olympics.
Nakasama ni Bachmann sa weekly forum na inihandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at 24-7 sports app ArenaPlus si Malaysian coach Low Wee Wern.
“We’re trying to grow it. I know squash is one of the smallest sports here but we are working for the future of the sports here and its longevity,” ani ng two-time Asian Games gold medalist sa team event at silver medalist sa singles.
Pitong buwan pa lamang ang dating World No. 5 sa pamamahala sa Philippine team matapos magsilbi sa Malaysian team ng halos 20 taon.
Bukod sa Pilipinas, hahataw din sa dalawang events ang Japan, Korea, Malaysia, Bahrain, Hong Kong, Sri Lanka at Egypt.
- Latest