^

PSN Opinyon

Ilang tips para humaba ang buhay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Maging maingat – Ang maingat na tao ay mahaba ang buhay, ayon sa report ng Terman life-Cycle Study. Ang maingat ay isang kasanayan ng pagiging organisado at disiplinado sa iyong mga ginagawa. Ang maingat na tao ay maaaring mas alam ang kanilang pangangailangang pangkalusugan. Pinipili niya ang mas masustansiyang pagkain. Ipinapakita rin sa isang pag-aaral na ang mga batang hindi maingat ay namamatay ng maaga. Ang isang leksiyon ay turuan ang ating mga anak na alalahanin ang kanilang kalusugan.

2. Isipin na bata ka pa – Kapag inisip mo na ikaw ay matanda na, mararamdaman mo na ikaw nga ay matanda na. Ngunit kung iisipin na ika’y bata pa ay ang iyong katawan ay susunod. Panatilihin na ikaw ay bukas sa mga bagong hamon at oportunidad kahit na ano pa ang edad. Maging maalam sa mga balita. Pag-aralan ang mga bagong technology sa halip na ito ay iwasan. Makisalamuha sa mga mas bata sa iyo para mahawahan ng kanilang lakas. Kumain ng sapat, huwag manigarilyo, at tumulong sa komunidad.

3. Panatilihin ang aktibong isip – Gamitin ang utak o kung hindi, ay manghihina ito. Samakatuwid, huwag agad na magretiro sa trabaho. Isaalang-alang ang pagbalik sa eskuwela kahit na may edad na. Patuloy na gawin ang gusto mong gawin. Sa isang pag-aaral sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong patuloy na aktibo sa pagbabasa, pag-aaral at paglutas ng mga puzzle ay halos 50 percent ang bawas sa sakit na Alzheimers.

4. Manatiling slim – Ang pagiging sobra sa timbang ay may panganib na magkasakit sa puso, diabetes at arthritis. Sa isang pag-aaral ng National Institute of Health noong 2006, pinakita na ang pagtaas ng timbang ay konektado sa mas maikling buhay. Kaya manatiling slim para humaba ang buhay.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with