^

Bansa

Ex-PRRD tatakbong Vice President o senador ‘pag na-impeach si Vice President Sara

Pilipino Star Ngayon
Ex-PRRD tatakbong Vice President o senador ‘pag na-impeach si Vice President Sara
Vice President Sara Duterte-Carpio gives the keynote address during the "Tribute to soldiers" awards ceremony at The Manila Hotel, Rizal Park, Ermita in Manila on Aug. 28, 2023.
Inday Sara Duterte / Facebook

MANILA, Philippines — Mapipilitan umanong bumalik sa pulitika si dating Pangulong Rodrigo Duterte at tatakbong senador o bise presidente kapag na-impeach ang kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

“Alam mo ‘pag ginawa ninyo ‘yan, babalik ako sa pulitika. Mapilitan ako, it’s either I run for senator or I will run for vice president maski matanda na ako,” pahayag ni Duterte sa panayam ng SMNI sa gitna na rin ng niluluto umanong impeachment kay VP Sara.

Sa ngayon aniya ay hindi pa sasakit ang ulo ng mga kritiko ng kaniyang anak subalit kapag dumating na ang panahon ng eleksyon ay lalabas ang mga hindi dapat malaman.

Sinabi ni ex-president Duterte na walang mawawala sa kaniya dahil nagretiro na ito sa pulitika at wala ring magiging problema kung si VP Sara ang magiging susunod na Presidente ng bansa.

“Mapipilitan akong lumabas sa retirement eh. When I begin to talk…election is just around the corner, talagang magka-babuyan tayo. I do not lose anything, I’m retired. Pero pagdating niyan na buhay pa ‘ko, ‘pag wala pa akong dementia, tatakbo akong…vice president… Kung si Inday ang presidente, okay lang,” dagdag pa niya.

Nakikita naman aniya na ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makontrol ang plano ng ilang kongresista kaya dapat na tumigil na ang mga atat sa Kamara.

Para naman kay Sara, susuportahan niya ang anumang planong politikal ng kanyang ama.

IMPEACHMENT

VICE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with