MANILA, Philippines - Palapit na ang pinakamalaking heavy rock festival sa Pilipinas! Inihahandog ng buong pagmamalaki ng PULP Live World at Colt 45 ang PULP Summer Slam 12: The Apostles na gaganapin ngayong Sabado, April 28, 2012 sa Amoranto Stadium, Quezon City.
Ang kauna-unahang PULP Summer Slam ay ginanap labindalawang taon at mula noon ay patuloy itong lumalaki dahil sa pagsasama ng mga malalaking international metal bands na katulad ng Shadows Fall, Anthrax at Lamb of God.
Ngayong taon ay papalakihin pa lalo ng PULP Live World ang taunang konsiyerto sa pagsasama ng anim na international heavy rock acts kasama ng anim na pinakamalaking banda ng bansa. Kabilang sa anim na international bands ay We Came as Romans, Darkest Hour, Periphery, Blessthefall, August Burns Red at Arch Enemy. Hindi rin pahuhuli ang mga local bands na Sin, Intolerant, Chicosci, Franco, Urbandub at Kamikazee.
Bukod pa sa mga mahuhusay na banda na ito, ang ticket sa kaganapang ito ay nagkakahalaga lamang ng P400 na may kasama pang anim na freebies — libreng beer mula sa Colt 45, libreng pizza mula sa Pizza Hut, cellphone load mula sa Smart, libreng Pepsi, libreng kopya ng PULP Magazine at libreng stub para magkaroon ng P50 discount sa official PULP Summer Slam 12 shirt mula sa Tribal.
Ang PULP Summer Slam 12: The Apostles ay inihahandog ng PULP Live World at Colt 45 sa tulong ng major sponsors Pizza Hut, Smart, Pepsi at Tribal. Makakabili kayo ng mga tickets sa lahat ng branches ng Ticketnet, Ticketworld, SM Tickets, Odyssey, Astorplus and Merriam-Webster branches nationwide at maaari ring bumili sa venue sa araw mismo ng konsiyerto.