^

PSN Showbiz

Negosyanteng aktor, nailaban ang pagiging kloseta

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nilagyan pala ng secret passage papunta sa kanyang room ang bahay ng isang negosyanteng aktor na lihim na tinatago ang pagiging kloseta.

Sa passage na ‘yon idinadaan ng kloseta ang lalaking dinadala niya para makatikim ng extra service.

One time, may inuwi siyang lalaki, idinaan sa secret passage at tagumpay naman silang nakapasok sa room niya nang walang nakakita.

Sa loob ng kuwarto, naligo na ang klosetang aktor. Waiting sa sofa sa room niya ang lalaki.

Eh nakalimutan ng lalaki na i-lock ang room. Biglang pumasok ang madir ng aktor, huh!

Nakita niya ang anak at lalaki. Tinanong ng madir kung sino siya. Sagot ng anak, masahista raw niya.

Eh naiintindihan ng madir na pagod sa negosyo ang anak kaya hindi na nasundan ang tanong niya. Tumalikod palabas ang ina at nagkatinginan si kloseta at masahista na para bang nabunutan ng tinik sa paglabas ng ina ng kloseta!

Michele, ikinasal ulit

Isang Christian wedding ang naganap sa Baguio last Thursday kina volleyball player-beauty queen Michele Gumabao at coach Aldo Panlilio.

Nagkaroon na sila ng church wedding last February this year. Catholic wedding ito para na rin sa parents ni Aldo na Katoliko.

Ginanap ang ceremony sa Infinity Garden, Baguio Country Club, 3 p.m. habang ang reception ay sa Cordillera Convention Hall sa Baguio Country Club.

Isa nang Christian si Aldo gaya ng wife niyang si Michele.

Thanks sa manager ni Michele na si Joel Roslin na nag-provide ng pictures.

EXTRA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with