Michael Jackson, buhay na buhay kay Rodrigo Teaser!

Parang si Michael Jackson talaga ang nakaharap namin nung isang araw. May goosebumps actually.
Nasa Maynila ang Brazillian singer-songwriter at Michael Jackson impersonator na si Rodrigo Teaser para sa Michael Lives Forever, isang tribute show sa King of Pop na magaganap sa Marso 14 at 15 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.
Nine years old lang si Rodrigo nung nag-umpisa siyang i-impersonate ang King of Pop at aminado si Rodrigo na hindi niya in-expect na mararating niya ang popularity bilang number 1 impersonator ni Michael Jackson.
At ngayon ay kasama na sa kanyang grupo ang choreographer at dancer ni MJ ayon kay Rodrigo for 20 years, nang humarap siya sa ilang local press last Tuesday.
Grabe, pati ang boses niya, Michael Jackson talaga.
“I started to do this when I was 9. Now I’m 44,” aniya nang tanungin kung hanggang kailan niya planong i-impersonate si MJ.
As long as may respeto raw sa kanya, ay magpe-perform siya.
Inamin din nitong nakakausap niya ang pamilya ng nasirang superstar.
Kabilang daw sa nakausap niya ang mga brother ni Michael, sina Jermaine at Jackie at aniya, mababait ang mga ito. “Pero hindi ako sigurado kung napanood nila ang ginawa ko. Alam kong alam ito ng ilang pamangkin ni Michael, pinadalhan nila ako ng mga video na nagsasabing ‘maganda ito’,” sabi pa ni Rodrigo in English.
At ilan sa mga favorite niyang hit song ni MJ ay ang Thriller, Billie Jean, Smooth Criminal at marami pang iba.
Huli siyang nag-perform sa China kung saan kasama niya ang isa sa mga pamangkin nito.
Sabay raw silang nag-perform at isa itong malaking karangalan para sa kanya. Aniya, alam niya kung gaano sila kamahal ni Michael.
Naging magkaibigan daw talaga sila at pinakita nito ang napakaraming videos at moments niya with Michael.
Inamin din ni Rodrigo na nagpagawa siya ng ilong para mas maging mukhang si Michael Jackson.
- Latest