Sara: Mawalan ng BF/GF, mas masakit pa sa impeachment
![Sara: Mawalan ng BF/GF, mas Âmasakit pa sa impeachment](https://media.philstar.com/photos/2025/02/08/cs_2025-02-08_00-03-47.jpg)
MANILA, Philippines — Ikinumpara ni Vice President Sara Duterte sa isang taong nawalan ng kapareha ang nararamdaman sa kanyang impeachment complaint matapos na mahingian ng mensahe ng mga mamamahayag para sa Valentine’s Day.
Si VP Sara ay humarap sa isang pulong balitaan kahapon upang magbigay ng kanyang pahayag matapos na aprubahan sa Kamara de Representantes ang impeachment complaint na inihain sa kanya at iakyat ito sa Senado.
Bago matapos ang pulong balitaan, hiningian si VP Sara ng media ng mensahe sa publiko para sa Valentine’s naman ito ng bise presidente at sinabing mas masakit pa ang mawalan ng nobyo o nobya kaysa ma-impeached ng Kamara.
“Alam niyo, mas masakit pa ang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kesa ma-impeach ka ng House of Representatives,” ayon kay VP Sara.
- Latest