P7.9 milyong shabu nasabat sa 3 ‘tulak’
MANILA, Philippines — Umaabot sa P7.9 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Northern Police District- District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) sa isinagawang buybust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong ‘tulak’ kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Sa report na tinanggap ni Northern Police District Director PCol. Josefino Ligan, isinagawa ng NPD-DDEU kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency - National Capital Region (PDEA RO NCR NDO) at Sub-Station 14 ng Caloocan City Police Station, naaresto sina “Tomboy”, 24; “Meng”, 31 at “Halem” 18.
Ayon kay Ligan, isinagawa ang buybust operation bandang alas-12:10 ng madaling araw sa No. 1057 San Lorenzo Ruiz, Brgy. 185, Caloocan City kasunod ng beripikasyon sa impormasyong may transaksiyon ang mga suspek.
Ikinasa ang buybust operation at nakuha sa mga suspek ang 1,170 gramong shabu na may street value na P7,956,000.00.
Sasampahan ng paglabag sa Section 5 kaugnay ng Section 26 (Conspiracy) at Section 11 sa ilalim ng Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest