^

PM Sports

Dindin iaalay ang bawat laro kay Kat

Russell Cadayona - Pang-masa
Dindin iaalay ang bawat laro kay Kat
Dindin Santiago-Manabat

MANILA, Philippines — Simula ngayon, ang bawat laro ng Choco Mu­cho ay inaalay ni Dindin Santiago-Manabat kay middle blocker Kat Tolentino.

Sa 21-25, 25-22, 25-18, 25-18 panalo ng Flying Titans laban sa PLDT High Speed Hitters noong Huwebes ay pumalo si Santia­go-Manabat ng 16 points bukod sa walong excellent digs para sa kanilang 5-3 record sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Bago ang laro ay sumailalim si Tolentino sa isang surgery para sa kanyang pumutok na appendix.

“Actually, ‘yung nilaro ko inaalay ko talaga siya kay Kat kasi isa rin siya talaga sa inspirasyon nitong araw kasi parang hindi niya deserve ‘yung nangyari sa kanya,” ani Santiago-Manabat.

Kasalukuyan nang nagpapagaling si Tolentino, ngunit hindi pa alam kung kailan siya makakapaglaro para sa kampan­ya ng Choco Mucho.

“Sobrang sipag niya, sobrang bait niya, so pumunta ako dito siyempre mindset talaga is manalo and susunod lang sa sistema ni coach,” dagdag ng 31-anyos na si Santiago-Manabat.

Sa kanyang paglipat sa Flying Titans ay pa­ngarap ng 6-foot-2 spiker na mabigyan ng korona ang koponan na may dalawang runner-up finishes sa nakaraang dalawang All-Filipino Conference.

“Gusto ko lang talaga is makatulong sa team kasi gusto ko na makagawa kami ng history sa Choco Mucho,” ani Santiago-Manabat.

Nakatakdang labanan ng Flying Titans ang Akari Chargers sa Pebrero 8 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with