^

Probinsiya

P400 milyong dangerous drugs, winasak ng PDEA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P400 milyong halaga ng droga at non-drug evidence gayundin ng mga expired na gamot sa pamamagitan ng thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel sa barangay Campetic, Palo, Leyte.

Ayon kay PDEA regional director Bryan Babang, ang mga sinunog ay kinabibilangan ng 58,930.0371 gramo ng Methamphetamine hydrochloride na may market value na P400,724,252.96; 0.1123 gramo ng Marijuana na may market value na P13.486; at Php 9,871.60 halaga ng mga assorted expired medicines.

Naging saksi sa naturang aktibidad ang mga representatives mula sa DOJ, PAO, Elected Officials, Media practitioners, Police Regional Office 8, PNP Regional Forensic Unit 8, Civil Society Group, at ibang stakeholders kasama ang ibang opisyal ng PDEA RO8-ARD, Dir III Christian Frivaldo; IAV Eduardo Makabenta, PDEA8-Plans and Operations, division chief; Atty Jason T Matoza, chief, Legal and Prosecution Unit; Provincial at City Officers at Laboratory personnel ng PDEA RO VIII.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with