^

PM Sports

UP, La Salle tatapusin agad ang semis

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng last year’s runner-up University of the Philippines na tapusin na agad ang University of Sto. Tomas ngayong araw upang makausad na sa finals ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum.

Swak sa semifinals ang Fighting Maroons matapos puwestuhan ang No. 2 seed pagkatapos ng 18-game elimination round, haharapin nila ang ranked No. 3 Growling Tigers sa alas-3:30 ng hapon.

May bentaheng twice-to-beat ang UP kaya malaki ang tsansa nila sa asam na lumaro sa championship round dahil dalawang beses silang kailangan talunin ng UST.

Huhugot ng puwersa ang Fighting Maroons kina JD Cagulangan at Aldous Torculas upang pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo.

Samantala, magtitipan sa alas-6:30 ng gabi ang defending champion De La Salle University at A­damson University.

Tulad ng UP, nabiya­yaan din ang La Salle ng twice-to-beat bonus ma­tapos hawakan ang top s­eeding sa semifinals.

Ihaharap ng DLSU ang pambato nilang si reig-ning two-time MVP Kevin Quiambao sa Adamson.

Ipaparada naman ng Adamson sina Cedrick Manzano, Manu Anabo, Matty Erolon, at AJ Fransman para ipantapat sa ma­tinding armas ng DLSU na si Quiambao.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with