Westbrook gumawa ng NBA history
MEMPHIS, Tenn. — Hinirang si veteran point guard Russell Westbrook bilang unang NBA player na nagposte ng 200 triple-doubles.
Tumapos si Westrbook na may 12 points, 10 rebounds at 14 assists sa 122-110 NBA Cup play win ng Denver Nuggets laban sa Grizzlies.
Umiskor si Jamal Murray ng 27 points, samantalang naglista si Michael Porter Jr. ng 24 points at 10 rebounds para sa Denver (8-7).
Pinamunuan ni big man Santi Aldama ang Memphis (8-7) sa kanyang 28 points.
Sa Boston, tinapos ng nagdedepensang Celtics (12-3) ang ratsada ng Cleveland Cavaliers (15-1) nang agawin ang 120-117 panalo.
Sa Dallas, tumipa si Luka Doncic ng game-high 26 points sa 132-91 pagmasaker ng Mavericks (8-7) sa New Orleans Pelicans (4-11).
- Latest