Brownlee ‘di puwede sa EASL kung...
MANILA, Philippines — Hindi pwedeng maglaro bilang naturalized player si Justin Brownlee sa East Asia Super League (EASL) kung sa ibang team ito maglalaro.
Target sanang makuha ng San Miguel Beer si Brownlee para sa kampanya nito sa EASL.
Subalit hindi ito maaring maglaro bilang naturalized player ng Beermen dahil hindi ito nakapirma sa natu-rang team.
Maaari lamang maglaro si Brownlee bilang naturalized player sa kanyang mother team na Barangay Ginebra.
“Technically, if Justin Brownlee is not with Ginebra and not signed and playing with Ginebra this season, he is a viable option as he’s been one of the naturalized player in the Gilas or national team pool,” ani EASL Philippines head Banjo Albano sa isang ulat.
Nakabase ang naturang desisyon ng EASL sa patakarang ipinatutupad ng FIBA.
May basbas ng FIBA ang EASL tournament.
Sesentro ang atensiyon ng San Miguel at Barangay Ginebra sa kampanya nito sa PBA Governors’ Cup kung saan magsisimula na ngayong araw ang semifinals series nito.
Si Brownlee ang import ng Gin Kings.
Ngunit may karapatan ang Beermen na kunin nito si Brownlee sa lineup sa EASL dahil sister team nito ang Gin Kings.
Gayunpaman, hindi ito pinahihintulutan ng pamunuan ng EASL na nanindigang hindi maaaring maging naturalized player ng Beermen.
- Latest