^

Pang Movies

Kylie, pinagmalaki ang lambing ng anak!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kylie, pinagmalaki ang lambing ng anak!
Axl, Kylie, at Alas

May appreciation post si Kylie Padilla sa panganay nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

Ipinakita nito ang mga video kung saan ito naglalambing. Makikita roon na hinihila nito ang kamay niya habang naglalakad sila habang ang isa naman ay niyayakap nito ang kamay niya para raw makatulog ito agad.

Sobrang lambing daw talaga ng anak niya kaya wala na raw mas makakapagpasaya sa kanya bilang isang magulang na makita ang mga anak niya na “empathetic thoughtful human beings” sa kabila ng pinagdaanan nila.

Tila sinusulit ng bata ang oras kasama ang mommy niya kapag wala itong taping.

As expected, naki-opinion na naman ang netizens at kanya-kanya sila ng reaction na kesyo kahit hindi siya bigyan ng lala­king mamahalin nang tapat ay nariyan ang dalawa niyang anak, na ang bunso ay si Axl.

May isa naman netizen ang nalungkot at sinabing nadurog ang puso niya sa isang post ng anak ni Sen. Robin Padilla kung saan binigyan daw ito ng isang drawing ng anak na may kumpletong pamilya. Wala na ang post kaya napatanong din ang ibang netizen pero sinagot naman ito ni Kylie na wala raw itong dapat ikabahala dahil masaya ang anak nang ibigay niya ito sa mommy niya.

Mukhang gusto raw kasi ng bata na mabuo ang pamilya nila pero malabo na nga ito dahil parehong masaya na ang mommy at daddy niya sa kanya-kanyang karelasyon nito.

Ang sexy actress na si AJ Raval ang girlfriend ni Aljur habang isang tattoo artist naman ang karelasyon ni Kylie.

‘Kaloka. Ba’t kasi nagiging diary ng mga artista ang social media. Hahaha.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with