^

PSN Showbiz

Bahay ni Basil Valdez, pinasok ng spirit; Jose Mari Chan tinutulak maging national artist

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bahay ni Basil Valdez, pinasok ng spirit; Jose Mari Chan tinutulak maging national artist
Jose Mari Chan
STAR/ File

One hundred years old na pala sana this year ang tinuturing na pioneer ng Filipino philosophy na si Fr. Roque Ferriols (namatay siya noong August 15, 2021 sa edad na 96 years old) na minsang nagpatalsik ng mga espiritu sa condo ng legendary singer na si Basil Valdez.

Kilalang “Father of Filipino philosophy” ang legendary Ateneo de Manila University Professor, ay naging professor at nagbigay rin ng inspirasyon sa maraming estudyante, kabilang na sina TV5/PLDT/Smart Communications CEO Manny V. Pangilinan, Cardinal Tagle, Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David, atbp.

At a recent symposium celebrating Fr. Ferriols’ 100th birth anniversary sa Ateneo, naibahagi nga Prof. Dr. Manuel Dy ang isang heartwarming story tungkol sa singer na si Basil Valdez na minsan din palang ginulo ng espiritu ang tinitirhang condo: “Basil Valdez once called for help, feeling spirits haunted his condo. Fr. Ferriols, despite being on retreat, went and blessed Basil’s condo, and the spirits disappeared.”

Kaya hindi lang mahusay na philosopher si Fr. Ferriols.

Ang nasabing symposium na pinamagatang The Story of the Wheelwright: The Influence of Chinese Philosophy on the Thought of Fr. Roque Ferriols, ay co-organized by the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), led by President Dr. Cecilio K. Pedro (who was abroad) and represented by EVP Victor Lim.

The symposium highlighted Fr. Ferriols’ inspiration from ancient Chinese philosophers like Chuang Tzu (Zhuangzi).*

Hero naman pala ang turing ni Mr. Manny Pangilinan kay Fr. Ferriols : “For opening my eyes to the world around me and to the soul within me, Fr. Roque Ferriols is my Ateneo hero. His brilliant insights remain invaluable to me and my core beliefs.”

Ayon sa ilang nakakakilala kay Fr. Ferriols, ang rebolusyonaryong hakbang ni Ferriols noong 1969 na magturo ng pilo­sopiya sa Filipino noong panahon na ang Ateneo ay pinangungunahan ng mga American Jesuit at ang mga klase ay nasa Ingles ay isang matapang na pampulitikang pagkilos. At ang kanyang pagsasama-sama sa Eastern and Western philosophies, lalo na ang kanyang pagpapahalaga sa karunungan ng tao, ay nagpayaman sa kanyang mga turo ng pilosopiyang Pilipino.

Gustung-gusto rin diumano ni Fr. Ferriols ang musika, grabe raw paghanga nito sa Beatles, at ang Let It Be ang isa sa sa kanyang mga paboritong kanta.

Ang FFCCCII ay business and civic organization na sumusuporta rin sa pagpapaunlad ng kulturang Pinoy, tulad ng Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), at pinararangalan din ang mga natatanging artistang Pilipino na may pamana ng Tsino tulad ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee, singer and composer na si Jose Mari Chan at beauty queen/actress na si Michelle Dee.

And speaking of Jose Mari Chan, ni-nominate ng FFCCCII si Jose Mari  upang maging National Artist.

“Bago nag-pandemic sumulat sa Presidente (Duterte) ang FFCCCII para iapelang gawing National Artist si Jose Mari. At ngayong taon gusto ulit nilang sumulat pero may ibang tao na nag-nominate kay Jose Mari Chan kasi ang kanta niya naman talaga niya hindi lang pang elite. Lahat ng tao kahit na sino, na-inspire kay Jose Mari Chan at magaganda ang music niya,” sabi ni Wilson Lee Flores na chairman at spokesperson ng nasabing samahan ng mga Fil-Chinese businessmen.

Pero may nag nominate din kay Lea Salonga? “Mayroon yata pero hindi ko alam kung sino pero napakagaling ni Lea Salonga dapat din siyang maging National Artist.”

Eh si Regine Velasquez meron din nagsasabi na pwede siyang maging National Artis : “Magaling din. Pero hindi naman pwedeng sabay-sabay sila. Ang narinig kong kwento ang mga ibang tao gusto nila mas may edad konti kasi kapag may edad ilang taon na lang sa buhay niya,” paliwanag ni Wilson.

True naman, in terms of age at popularity, iba ang isang katulad ni Jose Mari Chan na ngayon pa lang ay inihahanda na mga netizens para sa pagsalubong sa ber month.

vuukle comment

ROQUE FERRIOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with