^

Bansa

Exit plan sa COVID-19 inutos ni Pangulong Marcos sa bagong DOH chief

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Exit plan sa COVID-19 inutos ni Pangulong Marcos sa bagong DOH chief
Newly appointed DOH Secretary Ted Herbosa takes his oath of office before President Ferdinand Marcos Jr. on June 6, 2023.
Presidential Communications Office release

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Health Secretary Ted Herbosa na bumuo ng COVID-19 exit plan at pagtuunan ng pansin ang ibang kumakalat na sakit.

Sinabi ni Herbosa, da­ting Special Adviser sa National Task Force Against COVID-19, nais ng Pangulo na magkaroon na ng exit plan ang gobyerno para makalabas na sa COVID ang bansa.

“Well, number one of course, sinabi niya iyong COVID, gusto niya ng exit plan para makalabas na tayo sa COVID at magtuluy-tuloy iyong mga kinakailangan na bagong bakuna, iyong mga tinatawag nating bivalent vaccines,” ani Herbosa.

Partikular na pinatututukan aniya ng Pangulo ang tumataas na bilang ng may tuberculosis at ang dumadaming kaso ng mga kabataan na may HIV.

“So, pangalawa, sinabi niya sa akin, ‘Bakit top 10 pa rin tayo, number 9 po yata tayo sa dami ng may tuberculosis sa ating bansa compared sa ibang bansa?’ So, gusto niya sana siguro, mawala tayo doon sa top 10…At pa­ngatlo, sinabi niya, ‘Bakit madaming kabataan natin ang nagkakaroon ng HIV?’ and totoo iyon, sinabihan tayo ng World Health Organization na isa tayo sa countries with a very high rate of transmission; du­madami. So tututukan ko rin ito, upon his instructions,” dagdag ni Herbosa.

Nauna nang iniha­yag ng COVID-19 task force ng bansa noong nakaraang taon na dapat kasama sa pandemic exit plan ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocol.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with