^

Probinsiya

Driver ng mayoralty candidate, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Patay ang driver ng isang mayoralty candidate matapos pagbabarilin sa loob ng tahanan nito sa Brgy. Zone 3, Bangued, Abra kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Juanito Gammong, 58-anyos ng Brgy. Dangdangla, Bangued, ang kapitolyo ng nasabing lalawigan.

Si Gammong ay driver ni Lenin Benwaren, mayoralty candidate ng bayan ng Tineg sa ilalim ng Asenso Party.

Pansamantalang nanunuluyan ang biktima sa Brgy. Zone 3, Bangued.

Ang lalawigan ng Abra ay kabilang sa mga “areas of immediate concern” kaugnay ng gaganaping halalan sa Mayo 2025.

Sa report ng Abra Police, alas-7 ng gabi, kararating lamang ng biktima sa kanilang tahanan para magpahinga nang sundan sa loob at pagbabarilin ng nag-iisang salarin.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa katawan na bagaman at nagawa pang maisugod sa Abra Provincial Hospital ay idineklara nang dead-on-arrival sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala na naglagos sa katawan.

Ang suspect ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

ABRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with