Marso 27, 2025
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Iwasan na makikihalubilo dahil ikaw ang magiging paksa ng biruan at kantiyawan, na maaaring ikapikon mo. Kung may balak na maglakbay, ituloy dahil positibo ang resulta. Kung may pautang, ngayon maningil at mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 21, 35 at blue.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Maaaring mabigo ang hinahangad kung iaasa sa pakikipagsapalaran. Huwag sayangin ang oras, kumilos ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 6, 11, 17 at ruby red.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Ang pag-aayos ng gusot ay inaayunan ng panahon. Malakas ang ESP kaya kung ano ang kutob, sundin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 21, 35 at garnet red.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Iwasan ang anumang ispekulasyon. Iwasan na magbakasakali dahil negatibo ang maaaring mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 33, 42 at white.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Kung ano ang lalakarin, ipagpaliban muna. Hangga’t maaari iwasan dahil makakasama ang sobrang init ng araw. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 32, 24 at sky blue.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Magiging malakas ang karisma sa mga tao at kung hihingi ng tulong, tiyak hindi mapaghindian. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 21, 32 at tangerine.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Kahit maging mabagal ang pagpasok ng kasaganahan, magtatagumpay kung tuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 19, 31, 44, 45 at strawberry red.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Ang career at reputasyon ay siyang magiging pangunahin. Ihanda ang sarili sa pagtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 35, 39, 40 at flamingo red.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Kahit malakas ang enerhiya ng pagkatao, malilito ka. Iwasan na magkatensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 29, 35 at sun yellow.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Bigyan ng pahiwatig ang minamahal sa ayaw o gusto mo. Para hindi pagmulan ng misunderstanding. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 29, 38 at peach.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Ang mababang enerhiya ng pagkatao ang siyang magbigay ng tamlay sa gawain, paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 17, 33 at tangerine.
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Ang ibang kasamahan ay nakahandang tumulong para matapos ang iyong gawain. Magsabi ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 39, 42 at maroon.
- Latest