^

PSN Opinyon

Personal na katapatan hanap ni Bato kay NSA Año

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

HINANAKIT ni Sen. Bato Dela Rosa kay National Security Adviser Ed Año:

“Sana kumontak siya doon (Hong Kong) sa mga staff ni President Duterte, ‘Pakisabi lang na aarestuhin namin siya pag-uwi niya’.”

Anong tingin ni Bato sa public office, personal hindi propesyonal?

NSA ni President Bongbong Marcos mula Jan. 2023 si Año, dating AFP chief. Pakiwari ni Bato, isa si Año sa nagplano ng aresto ni Rodrigo Duterte nu’ng Mar. 11.

Ipinagkatiwala ni Duterte kay Año ang pagka-secretary ng Interior and Local Government nang tatlo’t kalahating taon, Jan. 2018-June 2022. Si Bato ay Davao City Police Chief ni Duterte at pagkatapos ay PNP chief. Taga-­Philippine Military Academy Class 1983 si Año, si Bato 1986.

Kung si Bato ang nasunod, dapat sinuklian ni Año ng utang na loob ang tiwala ni Duterte: “Hindi ko siya didiktahan kung anong gawin niya. Pero ano ba naman kung kaibigan mo, pinagkatiwalaan ka nu’ng tao. Ngayon nandiyan na sa sitwasyon na ganyan.

“Ayun lang ikinasama ng loob ko. Hindi ko ikinasama ang loob na ginampanan niya ‘yung kanyang trabaho sa gobyerno ngayon. It’s more of personal, not official. More on the personal level ang aking tampo.”

Wala sa job description ni Año bilang NSA ang personal loyalty. Sa Administrative Code ang tungkulin ng NSA ay magpayo sa Presidente tungkol sa pambansang seguridad.

Wala rin sa Konstitusyon ang personal loyalty. Anang Artikulo XI, Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan: Ang tiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga pinunong bayan ay kailangang mamalaging nananagutan sa taumbayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong kapakumbabaan.

ANO

BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with