^

Bansa

VP Sara kumuha ng lawyers na may ‘ICC experience’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara kumuha ng lawyers na may �ICC experience�
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR / Jesse Bustos

Medialdea, Roque ‘out’ na sa legal team ni Duterte

MANILA, Philippines — Inaasahang makukumpleto na ngayong linggo ang defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte at hindi na makakasama rito sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Kinumpirma mismo ni Vice President Sara Duterte na ‘itsa-pwera’ na sa grupo ng mga abogado na magtatanggol sa kanyang ama sina Medialdea at Roque.

Ayon kay VP Sara, magwi-withdraw sa defense team si Medialdea dahil limitado lamang ang slots para sa mga abogado.

Nais din aniya nilang ang lahat ng makakasamang abogado sa defense team ay pawang may ICC experience na.

Si Roque naman, na una nang nagpahayag ng pagnanais na maging bahagi ng defense team ng dating pangulo, ay hindi na rin magi­ging bahagi nito upang makaiwas umano sa kumplikasyon, dahil hindi pa malinaw ang legal na basehan ng kanyang pananatili sa The ­Netherlands.

Ang defense team ng dating pangulo ay pamumunuan ni Atty. Nicholas Kaufman, na nagpahayag na rin ng kumpiyansang malakas ang depensa ng dating pangulo at mapapawalang-sala ito sa kinakaharap na kaso.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->