Passport ni Roque kakanselahin
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Malakanyang ang pagkansela sa pasaporte ni Atty. Harry Roque matapos na pumuslit palabas ng bansa para makaiwas sa mga kasong human trafficking at arrest warrant na inilabas ng Kamara.
Sinabi ni Palace Press officer Atty.Claire Castro na mabigat ang kasong kinakaharap ni Roque dahil wala itong piyansa kaya titingnan muna ng Palasyo kung ano ang mainam na gawin sa dating opisyal lalo na kung mayroon itong arrest warrant sa manggaling sa korte.
Magugunita na tumanggi si Roque na humarap sa pagdinig sa Quad Committee kaugnay sa isyu ng POGO operations sa bansa matapos matuklasan na naging abogado siya ng isang kumpanya ng POGO at umano’y pagkakanlong din sa ilang Chinese national sa kanyang bahay sa Tuba, Benguet.
Bigla namang lumitaw si Roque sa The Netherlands matapos na maaresto si dating pangulong Rodrigo Duterte at dalhin sa International Criminal Court (ICC).
- Latest