^

Probinsiya

Cavite provincial director nadale ng hacker

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang Cavite Police makaraang mabiktima ng hacker ang mismong police provincial director ng lalawigan, kamakalawa.

Sa nakalap na impormasyon, at sa ulat ng PIDMU Cavite, ala-1:30 ng hapon ng maireport sa kanila ang di umanoy pag-kahack ng Cellular phone number na naka-issued kay Cavite Provincial Director Police Col Dwight Alegre .

Batay sa ulat, ang Cellular phone number na 09989673346, naka-issue kay PD Cavite, ay ginamit ng ‘di nakilalang suspek sa pamamagitan ng Telegram at humihingi ng pera via Online Banking.

Marami umanong kaibigan at ka­kilala ni Col. Alegre ang minessage at humihingi ng malalaking halaga sa online Banking.

Ikinagulat ito ng police director nang isang mensahe ang natanggap nito at itinatanong kung totoo bang nanghi­hingi siya ng perang may kalakihan ang halaga.

Lumalabas na halos lahat ng ka­kilala at kaibigan nito ay pinadalhan ng mensahe sa pamamagitan mg Telegram at humihingi ng pera.

Nananawagan naman si Alegre na huwag patulan ang mga matatanggap na mensahe gamit ang kaniyang pangalan at cellphone number at agad itong ireport sa kanila o mga police station.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad