Lady Chiefs nadale ng Lady Cardinals
MANILA, Philippines — Nagtulungan sina Alyana Nicole Ong, Freighanne Seanelle Garcia at Raissa Janel Ricablanca para akbayan ang Mapua University sa 14-25, 25-23, 25-17, 25-22 panalo kontra sa Arellano University sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.
Nagtala si Ong ng 19 points mula sa 11 attacks at walong blocks para sa 3-2 baraha ng Lady Cardinals, habang may 18 at 13 markers sina Garcia at Ricablanca, ayon sa pagkakasunod.
Bumangis ang Mapua nang masingitan sa first set at hindi napigilan sina Ong, Garcia at Ricablanca sa paghataw sa tatlong natitirang frames.
Bumakas din sa opensa si Nadine Angel Berceb ng siyan na puntos, anim ang ambag ni Gregchelle Grace Cabadin para sa Lady Cardinals.
Kumana si Laika Tudlasan ng 15 points at may siyam na marka si Fhaye Mangubat para sa Lady Chiefs na nahulog sa 2-3 record.
- Latest