^

Bansa

‘Garden of Life’ Cemetery Project ni Abalos gagayahin ni Leni

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balak ni dating Vice President Leni Robredo na gayahin ang “Garden of Life,” isang award-winning public cemetery project na ginawa  ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. noong siya pa ang alkalde ng Mandaluyong City.

Sa pagbisita sa pasilidad, pinuri ni Robredo ang inisyatiba para sa pagbibigay ng marangal at mahusay na huling destinasyon para sa mga yumao sa komunidad. 

Sinabi ng dating bise presidente na maaari itong magsilbing modelo para sa ibang mga lungsod na nagsusumikap na mapabuti ang kondisyon ng pampublikong sementeryo.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Robredo na ang mga aral na natutunan niya at ng kanyang team sa Garden of Life  ay magsisilbing inspirasyon sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo para sa mga mamamayan ng Naga City kung saan siya tumatakbo bilang alkalde.

Inalala pa ni Abalos, dating DILG secretary, ang malalang kalagayan ng mga pampublikong sementeryo noong panahon niya bilang alkalde, na nag-udyok sa kanya na ilunsad ang proyektong Garden of Life. 

Nakinabang sa proyekto ang nasa 16,800 indibidwal, at natiyak ng mga pamilya sa Mandaluyong na magkakaroon ng isang tamang lugar ng libingan ang kanilang mga mahal sa buhay.

LENI ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->