^

Punto Mo

‘Pala’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG libong piso ang binigay sa akin ni Mam Socorro. Hindi ako makapaniwala sapagkat ang isang libong piso ng mga panahong iyon ay napakalaking halaga. Malaking kayamanan na sa katulad kong mahirap.

“Dadagdagan ko pa yan sa pagbalik ko Juanito. Labis akong nasisiyahan sa ginawa mo sa aking lupa na nagkaroong buhay— mula sa mga nalalantang damo at mga tuod na sagabal ay nalinis mo.’’

“Salamat po Mam Socorro. Napakalaking tulong po nitong binigay mo.’’

“Sino nga pala ang katulong mo sa paggawa rito?’’

“Ang kapatid ko pong bunso—si Danilo.”

“Nasaan siya?”

“May binibili po sa bayan.’’

Dumukot si Mam ­Socorro ng dalawandaang piso sa pitaka.

“Ibigay mo ito kay Danilo.”

“Salamat po.’’

“Hindi na ako magtatagal. Babalik ako pagkalipas ng ilang araw.’’

“Bukas po, ang balon naman ang aming huhukayin. Kailangan pong maalis ang lupa sa balon para lumalim at bumukal nang maayos ang tubig. Doon po ako kukuha ng pandilig para sa mga gulay na gusto mo Mam.’’

“Good! Sige, aalis na ako.”

“Salamat po uli Mam.”

Umalis na si Mam Socorro at nagtungo sa kanyang sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan.

Itinago ko ang pera sa bulsa ng aking pantalon. (Itutuloy)

INFLATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with