^

PSN Showbiz

Fans ni Kathryn, mas pabor kay Mayor Vico

Nitz Mirallez - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Kathryn, mas pabor kay Mayor Vico
Kathryn Bernardo.
STAR/ File

Inalmahan ng fans ni Kathryn Bernardo na nakakita sa post sa X ng isang konsehal sa Lucena na Hello, Love, Lucena na ang tinukoy ay ang box-office hit movie nina Kathryn at Alden Richards na Hello, Love, Again.

Gamit na gamit daw si Kathryn sa kampanya.

Sinugod ng  fans ang X account ng konsehal, kaya dinelete nito ang kanyang tweet. Kahit daw biro ’yun, hindi pa rin maganda dahil ginagamit sa kampanya ang aktres.

Kaya lang, kahit dinelete ang tweet sa X, may nakapag-screenshot pa rin, marami ang nakabasa, kaya nega ang reaction ng fans ni Kathryn.

Anyway, ilang araw nang lumabas ang diumano’y relasyon ni Kathryn sa mayor ng Lucena, bagay na ayaw paniwalaan ng marami.

Ni minsan daw, hindi naman nakitang magkasama ang dalawa at nabalita lang na nanliligaw at hanggang doon lang ang balita.

Nakakatuwa nga dahil kung kay Pasig City Mayor Vico Sotto raw nali-link si Kathryn, hindi magre-react ang fans nito.

Hindi pa man nangyayari, boto na agad ang ilang fans niya kay Mayor Vico.

Rhian, binitbit ang corn cookie galing NY

Pagkatapos mag-hit ang kanyang Bas Bake Cookies, Corn Cookie naman ang next project ni Rhian Ramos sa tinawag niyang “super micro business.” Naikuwento niya ito nang ma-interview sa Bakery Fair 2025 kung saan, nag-demo siya kung paano i-bake ang sikat niyang cookie.

Inspired daw ang corn cookie sa isang pastry sa New York City na kanyang natikman when she was in NY for six months. “Dadalhin ko rito ang corn cookies, marami namang corn dito. Saka, mahilig tayong kumain ng corn, this time, gagawin nating cookies,” wika niya.

Kumuha na siya ng staff to help her sa kanyang cookie business, mga expert daw sa baking ang kanyang team, kaya makakaasa ang mga mag-o-order sa kanya na top notch ang kanilang mabibili.

Hindi na niya kakayanin na mag-bake maghapon ng cookies dahil busy siya sa maraming projects. May upcoming movie siya, nagte-taping ng Where In Manila at nagti-taping ng Sangg’re.

Main kontrabida siya sa Sang’gre at hindi isyu sa kanya ito dahil matagal na niyang gustong magkontrabida. Ang naging concern lang niya ay ang matagalang taping ng mga serye, pero mas nanaig ang kagustuhan niyang mapasama sa series at sa role na in-offer. Inayos na lang ang kanyang schedule and so far, nagagawa niya lahat ang mga project na kanyang tinanggap.

Nadine, nasa TV5 na

Ginulat ni Janno Gibbs ang JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre sa caption niya sa kanyang post sa Instagram ng photo nila ni Nadine. “JaDine is back!” ang caption ni Janno at marami ang nag-akalang si James ang kanyang tinukoy.

Iyon pala, ang “Ja” sa JaDine na tinukoy ni Janno ay siya. “Ja” rin naman kasi ang simula ng kanyang pangalan, kaya swak sa JaDine. Kaya may larawan sila ni Nadine dahil dalawa sila sa judges sa Season 3 ng Masked Singer na mapapanood sa TV5.

Nagsimula na ang taping ng show na si Billy Crawford pa rin ang host. Balik-telebisyon naman si Nadine at kahit hindi siya aarte, masaya pa rin ang kanyang fans na mapanood uli siya sa telebisyon. Sa movies na lang nila napapanood ang aktres, pero ngayon, may rason na raw uli sila na manood ng TV.

Wala pang sinabi ang TV5 kung kailan magsisimula ang airing ng Season 3 ng Masked Singer, basta this year ito.

KATHRYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->