^

PSN Showbiz

Angel, nagluluksa sa pagkamatay ng tatay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Angel, nagluluksa sa pagkamatay ng tatay
Angel Locsin

Nagluluksa si Angel Locsin sa pagpanaw ng kanyang ama na si Angel M. Colmenares sa edad na 98 noong March 5, 2025.

Kinumpirma ng pamilya ng inactive actress ang malungkot na balita kahapon, March 6, sa ABS-CBN News base sa tweet ni MJ Felipe.

Humihingi raw ang pamilya nito ng privacy at nagpasalamat sa mga nagpaabot ng pakikiramay.

Isa naman sa kaanak ni Angel, na Angelica Locsin Colmenares sa totoong buhay, na si Coun. Joseph Colmenares ang agad na nag-post ng pakikiramay niya.

Aniya, “My Deepest Sympathy and Condolences to the Family of Angel Locsin. May You Find Eternal Peace and Happiness. Rest in Peace Lolo Budi.

“Lolo Budi is the father of Angel Locsin Colmenares and the brother of my Lolo Jesus Colmenares (Father of Tatay Tongtong Colmenares),” dagdag niya pa.

Sa Facebook page naman ng aktres ay nag-post ito ng “We love you, Daddy Angel. Forever in our hearts” na hindi kami sigurado kung siya ba o may admin na namamahala roon.

Pinalitan naman nito ng isang black and white photo nilang mag-ama ang profile picture ng page.

Wala pang pahayag ang misis ni Neil Arce na siguradong durog ang puso sa pagkamatay ng kanyang tatay.

Common knowledge kung gaano kamahal ni Angel ang ama.

Sa isang interview niya kay Ogie Diaz noong taong 2022, naging emosyonal siya nang mapag-usapan ang tatay niya.

Ang pinaka-pinanghihinayangan daw niya sa buong buhay niya ay noong nasa peak siya ng kanyang career ay hindi raw alam ng ama ang mukha niya dahil sa pagkabulag nito.

“Alam mo, siguro ‘yun ‘yung pinaka-pinanghihinayangan ko sa buong buhay ko siguro. Lalo na dati nung peak ko, halos anong part ng EDSA may billboard ako, sunud-sunod, naalala mo ‘yun? Siguro, kalahati sa Pilipinas, alam ‘yung mukha ko, pero ‘yung tatay ko hindi alam ‘yung mukha ko. 

“Kasi hindi na siya nakakakita nung nagdalaga na ako talaga,” pahayag niya noon.

Inulan naman ng pakikiramay mula sa kanyang mga tagahanga si Angel.

ANGEL LOCSIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with