Kaso vs Sara walang epek sa impeach trial – Escudero
MANILA, Philippines — Wala umanong epekto sa impeachment proceedings ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong kriminal si Vice President Sara Duterte dahil sa ginawang pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“No, walang epekto iyon sa napipintong impeachment proceedings — walang bearing iyon at walang kinalaman iyan doon. Sa katunayan, puwedeng magpatuloy iyon nang sabay, pwedeng mauna, pwedeng sumunod. Wala siyang bearing sa impeachment proceedings na isasagawa ng Senado,” pahayag ni Senate President Francis Escudero.
Inirekomenda ng NBI na sampahan ng kasong kriminal si Duterte dahil sa pahayag na nag-hire siya ng papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez sa oras na paslangin siya.
“Mukhang mauuna naman sila. Hindi kukunin ng Senado iyon. An impeachment court like any court is a passive body. Wala kaming gagawin. Hindi ito parang imbestigasyon ng Senado na magi-issue kami ng subpoena para sa mga ebidensya o testigo na magpunta,” dagdag ni Escudero.
“Kung saka-sakaling hilingin iyan sa Korte o sa NBI, at trabaho rin nilang ipresenta iyan, nasa kabilang panig ang tutulan iyan at sa parte ng Senado, nasa trabaho naman namin ay magdesisyon o magpasya kaugnay sa mga kahilingan tulad niyan. But it can be done — it is possible,” sabi pa ni Escudero.
- Latest