^

Punto Mo

‘Kuwago’ (Part 2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nakita ko ang nakataling kuwago sa pasamano ng bahay ng pinsan kong si Minda. Si Minda ay kababata ko at kaklase rin kaya malapit kami sa isa’t isa. Hindi na nakapag-kolehiyo si Minda at nag-asawa na.

“Marian, kumusta ka pinsan kong maganda!” sigaw ni Minda nang nasa loob ako ng bahay.

Niyakap ko si Minda. Nakatingin ang dalawang bata sa akin na tiyak kong mga anak ni Minda.

“Kumusta ka Minda? Ngayon lang tayo uli nagkita.’’

“Oo nga Marian. Dalawa na ang anak ko,” at tinuro ang dalawang bata. “Mag-bless kayo kay Tita Marian, dali! Maraming pera yan!’’

Nag-bless ang dalawang bata sa akin.

“May regalo ako sa’yo Minda. Eto nasa supot. Magu­gustuhan mo ‘yan.!’’

“Salamat Marian. Hindi ka pa rin nagbabago.’’

“Okey lang Minda,’’ sabi ko at kumuha ng pera sa wallet. Dalawag P500. Ibinigay ko sa dalawang bata.

Tuwang-tuwa ang dalawang bata.

“Nasan si Mister mo, Minda?’’

“Nasa kuwarto—may sakit!”

Nag-isip ako.

Naalala ko ang kuwago na nasa bintana.

Masamang mag-alaga ng kuwago. Malas!

Kinausap ko si Minda ukol doon.

(Itutuloy)

MINDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with