Pekeng pastor arestado sa rape
MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na pekeng pastor na nagtago ng isang taon sa batas ang naaresto sa kasong statutory rape, anti-violence against women at child abuse ng Marikina PNP.
Kinilala ni P/Lt. Aladin Alingas, ng Barangka Police Sub-Station-2 Commander ang naarestong suspek na si John Paul Benjamin y Bayubo, alyas John Benjamin Jardencio at John Paul Diwa Benjamin, nakatira sa Brgy., Sta Cruz Antipolo City, Rizal.
Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nitong Lunes nang madakip ang suspek ng mga otoridad sa kahabaan ng St. Mary Avenue kanto ng Mary Mount St., Provident Village, Brgy., Tañong Marikina City.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas nina Hon. Mohammad Aquil A. Tamano, Presiding Judge, RTC branch-77 ng San Mateo, Rizal sa kasong 3 counts ng Statutory Rape at bench warrant na isyu ni Hon. Maribeth S. Rodriguez Manahan Presiding Judge ng RTC branch-175 San Mateo sa kasong Anti-Violence Against Women at paglabag sa Children Act of 2024.
- Latest