^

PSN Showbiz

Sofronio, kauna-unahang Pilipino na nanalo sa The Voice USA

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Congratulations, Sof! Super Deserve mo ito! First Filipino to win TV USA! First Asian! We are so proud of you, Sofronio Vasquez III!

Ibang klase ang pagdiriwang ng mga tao sa nanalong Pinoy sa The Voice USA ngayong 2024.

Bakit? Kasi, bukod sa we’ve always loved listening to him noong Tawag Ng Tanghalan pa sa It’s Showtime, hindi niya kinalimutan ang kapakanan ng kanyang pamilya! Ginawa raw niya ito upang madala niya ang magulang at makasama sa US! At si Michael Buble na may malakas na kapit sa pusong Pinoy dahil ang nag-alaga rin sa kanyang kamag anak ay Pinoy rin ay pandagdag pa sa nakakaantig na istorya.

Basta, congratulations, Sofronio Vasquez III. Thank you for showing the world how musically gifted we Filipinos are. At dagdag pa ng iba, and how we truly value our families daw, ‘di ba, Goldie?

Rufa at Trevor, ‘di pinag-interesan!

Parang nagsawa na at ‘di na masyadong pinapatulan ng mga tao ang screenshots na naglabasan with Rufa Mae Quinto and her husband Trevor Magallanes. Bakit?

Weno ngayon kung may marital problem sila? Ano’ng pake natin at ‘ di ba ang dapat ang asikasuhin nila ay ang kapakanan ng anak nila?

Nakakaawa lang si Rufa Mae kasi bukod sa hinaharap niyang kaso sa diumanong endorsement niya ay heto, dumadagdag pa ang problemang pampamilya na dapat siyang support group niya. Hayyyy, tataga sana niya!

KimPau, pang-valentine ang kilig

Hayan na, KimPau na ang susunod na papainitin ng Star Cinema pagkatapos ng And The Breadwinner Is… sa Metro Manila Film Festival. Sweet na sweet at may kilig ang appearance nila sa Christmas Special ng ABS-CBN ha, at maganda ang feedback sa teaser ng kanilang pelikula na My Love Will Make You Disappear na showing sa Feb 12.

Ang tanong: nagkita kaya sa ABS CBN Christmas Special sina Kim Chiu at Paulo Avelino at sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales? Ok ba at all’s well sa kanilang lahat? Sana naman. Moving on na talaga.

MMFF, ‘di pare-pareho ang dami ng sinehan

Naku naku, maaga pa lang ay nariringgan na ng issue ang entries ng MMFF. Kesyo hindi na naman daw pantay-pantay ang dami ng sinehan. Tila pinaboran daw ng SM ang pelikula nina Vice Ganda, Judy Ann Santos, Vilma Santos at Aga Muhlach, at Vic Sotto at Piolo Pascual? Habang ang iba’y talagang limitado lang daw ang sinehang pagpapalabasan?

Hindi ba ganyan din ang reklamo ng Firefly at GomBurZa noon na sa umpisa ay kakaunti ang mga sinehan, pero dahil due to insistent public demand ay dumami rin nang kalaunan?  Will history repeat itself?

Abangan!

Nakakataquote:

“Sobrang nakakataba sa puso. Nakakataba ng puso na I was able to represent the Philippines and of course dito I was well welcomed and well-loved by my hometown. They are in full support and now, we finally did it.”

“As cliche at it sounds, talagang mangarap lang kayo kasi ako pinangarap ko siya back then. ‘Yung mga aspirations natin, mga dreams natin, talagang ibibigay kung gusto mo talaga.”

– Sofronio Vasquez III, Grand Champion, The Voice USA 2024

SOFRONIO VASQUEZ III!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with