^

Metro

Higit P20 milyong shabu nakumpiska sa Metro Manila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P20 milyong shabu nakumpiska sa Metro Manila
Sa report na nakara­ting kay NCRPO chief PCol. Anthony Aberin, isinagawa ang anti illegal drug operations mula alas-6 ng umaga ng Disyembre 3 hanggang alas-5:59 ng Disyembre 4 kung saan nakum­piska ang nasa 3,047.63 gramo ng shabu at 1.1 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng higit  P20,724,016.00 at pagkakaaresto ng 71 drug suspects.
Michael Varcas

Sa loob ng 24 oras

MANILA, Philippines — Umaabot sa P20 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang police operations sa loob lamang ng 24 oras sa Metro Manila.

Sa report na nakara­ting kay NCRPO chief PCol. Anthony Aberin, isinagawa ang anti illegal drug operations mula alas-6 ng umaga ng Disyembre 3 hanggang alas-5:59 ng Disyembre 4 kung saan nakum­piska ang nasa 3,047.63 gramo ng shabu at 1.1 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng higit  P20,724,016.00 at pagkakaaresto ng 71 drug suspects.

Ayon kay Aberin, ang mga buy-bust ope­rations ay indikasyon na sinsero ang Philippine National Police na sugpuin ang talamak na problema sa illegal drugs sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Aberin na tinututukan din nila ang anti-illegal gambling na nagresulta sa pagkakabuwag ng 49 illegal gambling operations at naaresto  ang 133 sugarol.Nakuha rin ang P33,765.00 pera sa sugalan.

Samantala, sa 16 operasyon laban sa loose firearms, 17 iba’t ibang baril nasabat habang 17 indibiduwal ang inaresto.

Nasa 79 naman na mga wanted sa batas ang nahuli.

“There will be no let up in our fight against all forms of criminality as we continue to gain momentum in the conduct of intelligence-driven operations aimed at ensuring a safe, secure, and ­meaningful Yuletide Season in Metro Manila,” ani Aberin.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with