^

Bansa

2nd impeachment vs VP Sara isinampa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2nd impeachment vs VP Sara isinampa
Iniabot kay House Secretary General Reginald Velasco ang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice Pres. Sara Duterte na isinampa ng nasa 75 kinatawan mula sa iba’t ibang grupo sa alegasyong corruption at maling paggamit ng confidential funds.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sinampahan ng ikalawang impeachment nitong Miyerkules sa Kamara ng 75 iba’t ibang sektor sa lipunan kabilang ang mga kabataang estudyante, mga guro sa public schools, religious leaders, hanay ng mga manggagawa at iba pa si Vice President Sara Duterte.

Ang grounds ng ikalawang impeachment na inihain laban kay VP Sara ay ‘betrayal of public thrust “ kaugnay ng umano’y iregularidad sa paggasta nito ng P500 milyong confidential funds sa Office of the Vice President at P112.5 milyon sa DepEd sa panahong siya pa ang Kalihim ng ahensya noong 2022 at 2023.

Inendorso ng Makabayan bloc na kinabibilangan nina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang impeachment complaint sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco.

Ang unang reklamo ng impeachment ng civil society grounds na inihain noong Lunes bukod sa betrayal of public thrust ay may kasama ring graft and corruption, bribery at iba pang high crimes.

Sa press briefing ipinaliwanag ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na nagdesisyon silang ‘betrayal of public thrust” ang gamitin bilang nag-iisang ground dahil saklaw na nito ang lahat ng iregularidad na kinasangkutan ng OVP at DepEd.

Aniya, higit na mapapabilis ang proseso kung isang ground lamang ang gagamitin na maaring malitis si VP Sara sa loob lamang ng isang buwan at huwag na itong umabot pa ng 4 buwan tulad ng naging impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona nooing 2012.

Nanawagan naman si Brosas sa mga kasamahang mambabatas na bumoto sa ­impeachment laban kay VP Sara ayon sa kanilang konsensya at hindi sa dikta ng sinuman.

Idinagdag pa ng mga ito na naging batayan ng kanilang impeachment ang mga nabunyag na paglulustay ng pondo ng OVP at DepEd sa pamamahala ni VP Sara na iniimbestigahan ng House Blue Ribbon panel matapos i-red flag ng Commission on Audit (COA).

Kabilang dito ang paglutang ng mga pekeng acknowledgement receipt tulad ng Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na napatunayang wala sa rekord ng Philippine Statistics Administration (PSA).

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with