^

Bansa

VP Sara: ‘Hindi ako magpapatawad’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: ‘Hindi ako magpapatawad’
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Aminado si Vice President Sara Duterte na ‘hindi siya magpapatawad,’ nang magbigay ng mensahe hinggil sa diwa ng Kapaskuhan sa Thanksgiving Party, na idinaos ng Office of the Vice President (OVP) kamakalawa.

Ayon kay VP Sara, bilang bise presidente, kailangan niyang sabihin sa mga mamamayan na ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad, pagmamahal at pagbibigay, dahil ito aniya ang tunay na diwa ng Pasko.

Gayunman, kung siya umano ang tatanungin ay hindi siya magpapatawad.

“Ang Pasko ay ­panahon ng pagpapatawad, pagmamahal, at pagbibigay. Forgiving, ­giving, and loving. Lagi ko pong sinasabi na depende ‘yan sa tao pero dahil ako ay vice president, kailangan ko sabihin na ‘yan ang mensahe at diwa ng Pasko,” anang bise presidente.

“Pero kung ako, hindi ako magpapatawad,” wika niya.

“Iba-iba ang tao, di ba? Mayroon sa atin mabilis magpatawad, mayroong matagal at mayroon sa atin na dinadapa sa hukay ang galit,” aniya pa.

Sa naturan ding mensahe, pinaalalahanan pa ni VP Sara ang mga botante na maging matalino sa mga ihahalal na susunod na lider ng bansa.

Babala pa nito, hindi porke galing sa kilalang political family ay awtomatikong sila na ang dapat iboto.

Aniya, kailangang suriin din munang mabuti kung ang mga kandidato ay mayroon bang sapat na kakayahan, bukod sa kanyang bitbit na apelyido.

Dagdag pa niya, iboto ang mga kandidato base sa kuwalipikasyon ng mga ito at hindi sa ayudang ibinibigay ng mga ito sa kanila.

Binigyang-diin ni VP Sara na hindi utang na loob ng mga mamamayan ang mga ayudang ­ibinibigay sa kanila ng mga opisyal ng pamahalaan.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with