^

Bansa

Impeachment trial vs VP Sara malabo sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang sapat na panahon para matalakay ang isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Bagaman at ayaw magbigay ng komento tungkol sa impeachment, sinabi ni Estrada na “hindi na” o wala ng sapat na oras para dinggin ang reklamo.

“We’ll adjourn on December 18. We’ll resume on January 13. We’ll adjourn again first week of February,” ani Estrada.

Nakatitiyak din si Estrada na hindi mapapabilis ng Kongreso ang mga ­paglilitis, dahil inaasahan niya ang malalaking dokumento na maaaring iharap sa mga pagdinig ng impeachment.

Isinampa ang unang reklamo laban kay Duterte noong Lunes ng 16 indibidwal mula sa civil society, advocacy groups, at mga kamag-anak ng umano’y biktima ng drug war noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kahapon isinampa ang ikalawang impeachment laban kay VP Sara.

Naniniwala naman si Estrada na walang idudulot na mabuti ang anumang uri ng impeachment complaint katulad nang nangyari sa kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with