Korean actor na-cardiac arrest sa China!
Grabe, meron na naman palang namatay na Korean actor.
May nagpadala sa akin ng story tungkol sa Korean actor na si Park Min Jae na nagkaroon daw ng cardiac arrest at namatay sa edad na 32.
Sa Instagram page ng South Korean actor ay kinumpirma nga raw ng kapatid ang balita na nagsasabing “my beloved brother has gone to rest” habang naka-post ang larawan tungkol sa funeral service ng Korean actor noong December 4.
Kinumpirma rin din daw ng talent agency ni Min Jae, Big Title, ang hindi magandang balita sa social media channel nito sa pamamagitan ng mensahe sa Korean, na ayon sa Google translate ay “Actor Minjae Park has gone to heaven.”
“Hindi ko na nakikita ang pag-arte niya but I will proudly remember him as an actor of the Big Title,” patuloy ng mensahe.
Iniulat ng Korean media kung paano inalala ng CEO ng Big Title na si Hwang Ju Hye ang plano ng aktor sa isang buwang paglalakbay sa China sa social media.
Sinabi raw nitong mamamasyal siya China ng isang buwan: “It was so sudden and so shocking... The family must be feeling unmaginable sorrow.”
Ayon sa nabasa kong artikulo, Namatay si Min Jae noong Nobyembre 29 dahil sa cardiac arrest habang nasa China.
Sa totoo lang hindi ko maalala kung anong Korean drama series lumabas si Park Min Jae.
Alam mo naman ako basta nanonood lang, hindi ko masyadong natatandaan ang hitsura ng mukha lalo na ang pangalan.
Minsan nga iniiba ko pa ang pangalan.
Saka hindi na ako lately nakakapanood ng Korean drama dahil mas gusto kong lumabas-labas para makipag-lunch kina Pat P. para makapag-take out ako ng steak na favorite ng alaga kong si Jokjok.
Pero nakakalungkot ang ganitong mga balita. Ang bata pa niya at sayang naman.
Hangad ko ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa.
- Latest