^

Police Metro

2 SUV nagsalpukan: Ginang na balikbayan todas; mister, 3 anak sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pag-uwi ng isang 67-anyos na ginang na balikbayan sa Pilipinas nang masawi habang sugatan ang mister at tatlong anak nang salpukin ng isang sports uti­lity vehicle (SUV) ang kanilang SUV, kama­kalawa ng gabi sa Misamis Oriental.

Namatay noon din ang biktimang si Engr. Emilyn Pagaling, isang retired agricultural engineer at US citizen habang sugatan ang mister at tatlo nilang  anak kabilang si Malaybalay  City Councilor Kathleen Cecille Pagaling.

Sa imbestigasyon na naganap, alas-10:00 ng gabi nitong Miyerkules sa Diversion Road, Crossing Barra Opol, Misamis Oriental, papauwi na ang mag-asawa sa Malaybalay City kung saan ay sinundo ng kanilang mga anak mula sa Laguindingan Airport nang biglang tumbukin ng isang Ford Everest na minaneho ng isang menor de edad.

Nakita sa CCTV footage, na ilang beses pang nagpaikut-ikot ang SUV na sinasakyan ng pamilya.

Idinahilan naman ng menor de edad na driver na hindi siya pamilyar sa lugar at hindi napansin ang intersection.

Desidido naman ang pamilya ng mga biktima na kasuhan ang menor de edad na mahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with