^

Pang Movies

Bianca, may rebelasyon sa relasyon kay Sen. Win

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Bianca, may rebelasyon sa relasyon kay Sen. Win
Bianca

Kinuwento ni Bianca Manalo kung papaano sila nagkakilala ng kanyang boyfriend na si Sen. Sherwin Gatchalian, at kung gaano katagal naghintay ang senador bago niya sinagot.

Ayon sa beauty queen-turned-actress, mayor pa lang ito nang una siyang nakita nito sa isa niyang TV show.

Naghanap umano ng kakilala si Sherwin kung papaano siya makikilala, at nagkataon na mutual contact nila ang kaniyang manager. “So, na-meet niya ako, mayor siya nun, so ‘di ko siya pinansin. Tapos biglang naging single ako ulit, so congressman na siya nanliligaw siya ulit. Sabi ko, ‘Ang kulit naman nito,’” paglalahad ni Bianca.

Nang pumanaw ang kanyang ama, sinabi ni Bianca na si Sherwin. “Hanggang sa namatay ‘yung daddy ko, siya ‘yung first flower. Tapos almost every night ng lamay nandun siya. So, sabi ko, ‘Ay ang bait naman,’ pero hindi ko pa rin siya sinagot,” patuloy ni Bianca.

Pero naging masigasig pa rin umano ito at nagpupunta sa bahay ng kaniyang magulang para manligaw. Nang maging single muli siya, sinagot na niya si Sherwin na senador na noon. “Very persistent and very humble tsaka very gentleman and very mild-mannered. Kung ano ‘yung iningay ko, siyang tinahimik niya, so balanced kaming dalawa.

Anyway, ang rebelasyon ito ay ikinuwento ni Bianca kay Mikee Quintos sa Lutong Bahay.

Joross, ‘di nakalimutan si Sandara

Hindi nakalimutan ni Joross Gamboa na batiin ang kaniyang kaibigan na si Sandara Park na nagdiwang ng ika-40 taong kaarawan nitong nakaraang Martes.

Sa Instagram, nag-post ang Hello, Love, Again actor na si Joross ng ilang luma at bago nilang larawan ni Sandara.

Makikita sa mga larawan na kasama si Sandara sa kasal ni Joross at misis nitong si Katz, hanggang sa magkaroon na ng mga anak ang mag-asawa.

“Happy 20th birthday to our BFF sister na di tumatanda at di tumataba!” saad ni Joross sa caption niya sa post na kalahati ng tunay na edad ng kaibigan.

“Etong first pix ang favorite pix ko ni [Dara] siya lang nakakaalam bakit. We are always here for you! Kitakits this weekend. God bless!,” dagdag pa ng aktor.

Nabuo ang pagiging magkaibigan nina Sandara at Joross nang magkasama sila sa Star Circle Quest noong 2004.

BIANCA MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with