^

Pang Movies

‘Kapogian’ ni Bea, ‘di makalimutan!

ISYU AT BANAT - Pang-masa
âKapogianâ ni Bea, âdi makalimutan!
Bea

“Sayang, ang pogi pa naman pala kung naging lalaki si Bea Alonzo,” sabi ng mga taong nakakita sa kanyang Halloween get-up kung saan poging-pogi siyang may hawak pang shot gun. Ang ginaya kasi niya ay ang kriminal na si Lyle Menendez na pumatay sa sarili niyang magulang noong 1989.

Pero naiba na ang usapan. Ang sinasabi na nila ay pogi raw pala si Bea kung naging lalaki. At kung hindi man lalaki at naging tomboy lamang tiyak na maraming babae at siguro kahit na mga bakla na maghahabol pa rin sa kanya.

Ano ang panama ni Jake Zyrus at maging ni Ice Seguerra kung si Bea ang naging tomboyita? Tiyak na tatalunin sila noon sa rami ng babaeng maghahabol.

Kaya nga lang babae kasi si Bea eh, wala nga lang boyfriend sa kasalukuyan.

Maita, tahimik ang naging laban

Naging isang malungkot na balita na noon palang Linggo ng madaling araw, pumanaw sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang aktres at Mayor ng Pagsanjan, Laguna na si Maita Sanchez. Siya ay 55 taong gulang lamang, at cancer ang naging sanhi ng kanyang kamatayan. Ito ang inihayag ng kanyang asawa, ang dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito. Ang kanyang mga labi ay nakahimlay ngayon sa ancestral house ng mga Ejercito sa Pagsanjan.

Bago napasok sa pulitika at nagsilbing mayor ng Pagsanjan ng siyam na taon, at vice mayor ngayon ng tatlong taon, si Maita, na si Girlie Javier Ejercito sa tunay na buhay ay nag-artista rin muna.

Marami nga ang nagtataka kung bakit nito raw nakaraang bagyuhan ay hindi masyadong naging visible si Maita, iyon pala ay dahil may sakit na siya at nasa ospital. Matagal din siyang nakipaglaban sa sakit na cancer.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya Ejercito. Dumagsa ang kanilang mga kababayan sa burol ni Maita.

Ipanalangin na lang natin ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa.

Ion, natauhan!

Natauhan yata si Ion Perez, at nagpahayag na umuurong na siya sa pagkandidatlo bilang konsehal sa Concepcion, Tarlac. Sinabi niya na naisip daw niyang marami pang pag­hahanda ang kailangan niyang daanan, at pag-aralan munang mabuti ang mga suliranin ng kanyang masasakupan para makapagbigay siya nang mas mahusay na paglilingkod.

Marami ang nagsasabing kung tumuloy siya, at magkapanya lang para sa kanya ang karelasyong si Vice Ganda, tiyak na mananalo iyan dahil sa kanyang popularidad.

Pero ano naman ang gagawin niya bilang konsehal ng Tarlac sa loob ng tatlong taon?

Bagama’t akala nila ay mababa, pero mabigat ang trabaho ng isang konsehal.

Direk, pinagpalit ng aktor sa madatung!

Masama ang loob ni direk sa isang male starlet, dahil matapos niya iyong bigyan ng break, at naipangako yata niya sa isang kaibigan niyang bading na ipakikilala iyon sa kanya, lalo’t nag-invest pa naman iyon sa kanyang indie, napahiya siya nang tumanggi ang starlet. At ang ikinasama pa ng loob niya, nalaman niyang pagkatapos ng kanilang shooting ay nag-abroad iyon na kasama ang isang mayamang bading.

Hindi mo naman masisi ang male starlet, dahil pangarap niya talaga ang buhay mayaman at makapag-travel.

Isa pa, ang bading ang nagbigay sa kanya ng sports car na ginagamit niya ngayon at maging ang tinitirahan niyang townhouse na ginawa niyang bachelors’ pad para hindi na siya umuuwi sa malayo nilang bahay sa probinsiya.

Isang indie lang naman ang naibigay na project ni direk na hanggang ngayon nga ay hindi pa bayad ang talent fee dahil naghihintay pa siyang makasingil sa kanyang sponsors, at natural ang unang nakasingil ay ang kulukadidang niya na support lang naman sa indie.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with