^

PSN Palaro

Bacoor umentra sa semis ng MPVA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinulsa ng Bacoor ang huling semifinal spot matapos talunin ang sibak nang Valenzuela, 25-14, 25-18, 25-22, sa 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) noong Linggo sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Pumalo si Cyrille Ale­me­niana ng 13 points para sa 10-3 record ng Strikers at palakasin ang tsansa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa semis.

Sumama ang Bacoor sa No. 1 seed Quezon Tan­gerines (13-1), Rizal St. Gerrard Charity Foundation (10-4) at Biñan Tatak Gel (10-5) sa Final Four ng upstart league na itina­tag ni dating Senator at MPBL chairman Manny Pacquiao.

Nagdagdag si Jemalyn Menor ng 10 markers, habang may siyam na puntos si Camille Bustamante para sa Strikers na nakabangon mula sa naunang 18-25, 25-23, 16-25 18-25 kabigu­an sa Quezon.

Tinapos ng Bacoor ang kanilang laro ng Valenzuela sa loob ng isang oras sa two-round, 16-game MPVA na suportado ng Extreme One-Stop Shop Applian­ces, ASICS, Mikasa and Gerflor kasama ang MPTV at Outcomm bilang broadcast partners..

Samantala, umiskor na­man ang AM Caloocan Air Force ng 25-15, 25-15, 28-26 panalo sa talsik nang ICC Negros.

Naglista sina Iari Yongco-Quimson at Jozza Mae Cabalsa ng 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, pa­ra sa 6-7 kartada ng Caloocan.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with