^

Police Metro

Ex-actress-politician na misis ni ER Ejercito, pumanaw

Ed Amoroso - Pang-masa
Ex-actress-politician na misis ni ER Ejercito, pumanaw
File photo shows former actress and Pagsanjan mayor Maita Sanchez
Cesar Areza via Facebook

MANILA, Philippines — Pumanaw na kahapon si dating akters at Pagsanjan, Laguna mayor Girlie “Maita” Ejercito dahil sa endometrial cancer sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City.Siya ay 55.

Si Girlie ay asawa ng aktor at dating Laguna governor na si ER Ejercito na nagkumpirma malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang Facebook post kahapon ng umaga.

Nakasaad dito: “My lovely and beautiful wife, our dearly beloved Mayora Girlie “Maita” Javier- Ejercito of Pagsanjan, Laguna just passed away due to endometrial cancer at 12:01 am, November 3, 2024 at St. Luke’s Medical Center, Quezon City.

“She was 55 and we have six children, Eric, Jet, Jerico, Jhulia, Diego and Gabriela.“Heartfelt thanks for all your love and prayers.”

Inihayag ni ER na nakatakdang iburol at paglamayan ang mga labi ng kanyang asawa sa tahanan nila sa The Don Porong Ejercito, 1912 Ancestral Mansion, Pagsanjan Laguna.

Nagsilbi si Maita bilang alkalde ng Pagsanjan mula Hunyo 30, 2010 hanggang Hunyo 30, 2019.Naglingkod din siyang bise-alkalde ng Pagsanjan noong Hunyo 30, 2019 hanggang Hunyo 30, 2022.

Nahalal si Maita bilang national President ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na pinamunuan niya mula 2010 hanggang 2016.

Bago siya sumabak sa pelikula ay pinasok muna ni Girlie ang showbiz gamit ang screen name na Maita Sanchez.

vuukle comment

GIRLIE “MAITA” EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with