Quiambao bumandera sa statistics
MANILA, Philippines — Nanguna si reigning Most Valuable Player Kevin Quiambao ng De La Salle University sa pinagsamang tatlong individual statistics pagkatapos ng first round ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament.
Ang tatlong categories ay ang two-point filed goals, three-point field goals at free throws kung saan ay nasa ibabaw si Quiambao kasunod sina Mo Taunkara at Nic Cabanero ng University of Sto. Tomas.
Nakapagtala si Quiambao ng 24-of-55 para sa 43.64% sa two-point, 16/51 sa thre-point na may 31.37% at sa foul line ay nagsalpak ito ng 19/27 para sa 70.37% at kabuuang 115 points at average na 16.43 per game.
Inilista naman ni Taunkara ang 36/64, 56.25% (2pt. FG), 4/12, 33.33% (3pt. FG) at 14/18, 77.78% (FT) para total 98pts. at average 14.0 P/G.
Tumipa ni Cabanero ang 29/65, 44.62% (2pt. FG), 6/29, 20.69% (3pt. FG) at 19/32, 59.38% (FT) sa kabuuang 95 points at ave. 13.57 P/G.
Kaya naman swak ang koponan nina Quiambao, Taunkara at Cabanero sa magic four sa team standings.
Kasalukuyang magkasalo sa top spot ang defending champions La Salle at University of the Philippines.
Hawak ng Green Archers at Fighting Maroons ang parehong 6-1 baraha sa itaas ng University of the East Red Warriors na may 5-2 karta, habang nasa pang-apat ng team standings ang UST Growling Tigers na may 4-3 kartada.
- Latest