^

Metro

COC filing sa 2025 polls, arangkada na bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aarangkada na bukas, Oktubre 1, ang pag­hahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidatong nakatakdang sumabak sa May 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon sa Comelec, magtatagal ang panahon ng paghahain ng kandidatura sa loob lamang ng walong araw o hanggang Oktubre 8.

Sisimulan ng Comelec ang pag-upload ng COCs at Certificate of Nomination and Accep­tance (CONAs) ng mga kandidato sa Oktubre 18.

Itinakda naman ang campaign period sa mga tatakbo sa senatorial at party-list elections sa Peb­rero 11, 2025 hanggang May 10, 2025 o isang araw bago ang halalan sa Mayo 12.

Para sa congressional race, gayundin sa parliamentary, provincial, city, at municipal offices ay maaaring magsimulang mangampanya mula Marso 28, 2025 hanggang Mayo 10, 2025.

Mayroong 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 NLE.

Una na ring ipinagbawal ng Comelec en banc ang substitution ng mga kandidato sa huling araw ng COC filing kung ang substitution ay isasagawa sa pamamagitan nang pag-withdraw ng kandidato.

Samantala, nakatakda na ring magtapos ngayong Lunes, Setyembre 30, ang voter registration sa bansa.

Hinikayat ng Comelec ang mga botanteng hindi pa nakapagpapatala na samantalahin ang huling araw ng registration upang makaboto sila sa halalan sa susunod na taon. Hindi na nila palalawigin pa ang voter registration period.

vuukle comment

NLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with