^

Metro

PNR, nagpatupad ulit ng special trips 

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng kabiguang maibalik na sa normal ang kanilang full operations dahil sa mga pinsalang idinulot ng bagyong Paeng, nagpatupad na lamang muli ang Philippine National Railways (PNR) ng special trips nitong Undas, Nobyembre 1.

Ayon sa PNR, ang mga naturang special trips ay para sa mga lugar na ligtas nang daanan ng kanilang mga tren.

Kaugnay nito, muli ring humingi ng pang-unawa ang PNR bunsod ng kabiguang maibalik  agad sa normal ang kanilang serbisyo.

“Humihingi po kami ng pang-unawa na hindi pa po maaaring manumbalik ang serbisyo sa lahat ng ruta at istasyon,” anang PNR.

Binanggit pa nila na ang kaligtasan ng mga pasahero at publiko ang kanilang prayoridad.

Matatandaang noong Sabado at Linggo ay una nang kinansela ng PNR ang kanilang mga biyahe dahil sa mga pagbahang dulog ng pananalasa ni Paeng.

Nitong Lunes naman ay nagpatupad lamang ng special trips ang PNR dahil marami pang mga lugar ang hindi ligtas na daanan ng kanilang mga tren bunsod ng mga nasirang mga riles.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with