^

PSN Palaro

Fighting Maroons nagparamdam agad

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinikwat agad ng University of the Philippines ang panalo matapos pabag­sakin ang Ateneo, 77-61 sa pagbubukas ng 87th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Tumikada si JD Cagulangan ng 17 points, siyam na assists at pitong rebounds para sa UP na ta­ngan ang 1-0 karta habang nalasap ng Blue Eagles ang unang kabiguan.

Maagang nagparamdam ng lakas ang Fighting Maroons matapos nilang hawakan ang 10-point lead, 40-30 sa halftime.

Pero ginanahan ng todo ang Fighting Maroons  sa third quarter dahil simula pa lang ay umalagwa na ang kanilang bentahe sa 18 puntos, 50-32 may 7:11 minuto pa sa oras.

Nasaksihan ng halos mahigit 12,932 gate attendance ang panalo ng Figh­ting Maroons kung saan nagkaroon ng magarbong opening ceremonies ang host school.

Samantala, sisimulan ng De La Salle Universi­ty ang pagdepensa sa kanilang korona sa pagharap nila sa National University.

Nakatakda ang banatan ng Green Archers at Bulldogs sa alas-6:30 ng gabi.

Sa unang laro sa alas-3 ng hapon, agawan sa unang panalo ang Adamson at FEU.

Muling ibabandera ng defending champions DLSU ang kanilang prem­yadong player na si Season at Finals Most Valuable Player Kevin Quiambao.

Makakatuwang ni Quiambao sina Michael Phillips, Joshua David at CJ Austria para sa Green Archers.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with